INDAK NG KABABAIHAN

Umarangkada na ang month-long festivity ng Pasay City LGU para sa pagdiriwang ng “Buwan ng Kababaihan” ngayong Marso sa pamamagitan ng Zumba contest na pinangunahan ni Mayor Emi Calixto- Rubiano Kasama si Vice Mayor Ding del Rosario, mga konsehal at kababaihan ng iba’t ibang barangay.

Nagsilbing choreographer ang Sex Bomb New Generation mentor at beteranang dance guru na si Joy Cancio na ginanap sa city hall ground nitong Sabado.

Bukod sa Zumba na binuksan sa lahat ng kababaihan ng lungsod anoman ang edad, mayroon ding mobile clinic na nagbigay ng libreng laboratory examination. Mayroon ding Mayor Emi’s Kitchen: Libreng pa-piging (food) sa kababaihan. (DANNY BACOLOD)

308

Related posts

Leave a Comment