INDEPENDENCE DAY PROTEST PWEDE PERO ONLINE

MAARING magsagawa ng kilos protesta sa online ang mga Filipino sa Independence Day, Hunyo 12.

Ito’y dahil sa social distancing na ipinatutupad kaugnay ng coronavirus pandemic.

Sa katunayan, ang mga rally noong Araw ng Paggawa, Mayo 1 ay isinagawa rin sa online bunsod na rin ng pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ).

“Sa mga lugar na talagang mataas ang banta ng COVID-19, eh huwag niyo naman po i-violate yung ating quarantine rules kagaya ng social distancing,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Puwede po magprotesta online. Hindi po natin sinusupil yan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Ang pahayag ni Sec. Roque ay tugon sa iniulat ng mga estudyante at alumni ng ilang eskuwelahan ukol sa ‘blank and duplicate Facebook accounts’ makaraan ang protesta laban sa anti-terror bill.

Kaya nga may ilang grupo ang nagpaplano na maglunsad ng kilos protesta sa darating na Biyernes, Hunyo 12, gaya ng Movement Against Tyranny kung saan inilarawan ang kanilang protesta bilang mañanita protest para ipanawagan ang pagbasura sa anti-terror bill.

Hinikayat naman ni Opposition Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang mga sasali sa protesta na tawagin ang kanilang mass actions sa June 12 bilang “mañanita” upang maiwasan ang government arrest.

“Sa lahat ng nais magprotesta sa mga nagaganap na kapalpakan sa palakad sa gobyerno, please lang tawaging Mañanita ang pagtitipon at magdala ng mga bulaklak para hindi maaring arestuhin, kasuhan o managot ang lahat ng dumalo!” ani Pangilinan sa kanyang tweet. CHRISTIAN DALE

121

Related posts

Leave a Comment