INDON NASAKOTE SA P8.7-M COCAINE SA NAIA

indon32

(NI FROILAN MORALLOS/PHOTO BY JACOB REYES)

NASAKOTE ng pinagsanib na mga tauhan ng mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Philippine Drug Enforcement Agecy (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang isang Indonesian national makaraang madiskubre sa kanyang bagahe ang 1.6 kilong cocaine noong Miyerkoles ng gabi.

Hindi na nagawang itanggi ni Agus Burhan, 62, ang mga nasamsam na cocaine na nagkakahalaga ng P8.7 milyon nang mahuli siyang dinadampot ang kanyang bagahe sa baggage carousel ng terminal 3.

Napag-alaman mula kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jerald Javier, kasalukuyan silang nagsasagawa ng random inspection sa NAIA terminal 3 arrival area sa mga bagahe ng pasahero na galing sa ibang bansa nang upuan ng mga aso ang bagahe ng nasabing dayuhan.

Ayon kay Javier, lumipad patungong Lima, Peru si Burhan para sa cocaine. Pagbalik mula South America, mayroon itong stopover sa Madrid, Spain at Doha, Qatar.

Pagdating sa Manila, pinigil ng mga miyembro ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Force si Burhan nang matuklasan ang droga habang nagsasagawa ng regular random inspection task group sa mga bagahe.

Sinabi ni Javier, na idinaan pa rin sa  x-ray scanning machine ng Bureau of Customs ang bagahe ni Burhan para matiyak na may laman itong droga.

Ayon sa alibi nitong suspek habang iniimbestigahan, ay ipinakiusap lamang sa kanya na dalhin ang bagahe na may mga lamang regalo patungong Pilipinas.

Nakatakdang sampahan si Burhan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

 

294

Related posts

Leave a Comment