‘INFORMAL SETTLERS MUNA BAGO DAYUHAN’

(NI NOEL ABUEL)

BINATIKOS ng isang senador ang patuloy na pag-okupa ng mga dayuhan sa mga condominums habang nagsisiksikan naman o naninirahan sa mga maliit na bahay ang mga informal settlers.

“Why do foreigners have first dibs on condos while destitute Filipinos are jam-packed in shanties in the country’s urban centers?,” tanong ni Senador Francis Pangilinan.

Nakikita ni Pangilinan na sagot sa problema ng kawalan ng tahanan ng mga Filipino na buhayin ang legasiya ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo na on-site, in-city relocation ng mga informal settlers.

Sa inihaing Senate Bill 690, o ang On-Site, In-City, Near-City Resettlement Act ni Pangilinan, nais nitong amiyendahan ang Urban Development Housing Act of 1992 o ang Republic Act 7279 na naglalayong iprayoridad ang on-site o ang in-city resettlement ng mga informal-settler families.

Tinukoy nito sa pagitan ng taong 2011 at 2016, halos  3,656 mula sa 8,644 informal-settler families ang lumipat sa mga bagong bahay na itinayo ng National Housing Authority (NHA) ang nasa malayong lugar o trabaho ng mga ito.

“Yung mga banyagang nagtatrabaho nga rito sa atin, may sariling pa-condo na malapit sa kanilang pinagtatrabahuhan. Yung kapwa natin Pilipino, pinagbibiyahe pa natin sa napakalalayong lugar para lang makapag-hanapbuhay,” sabi ni Pangilinan.

Sa ilalim ng programa ni Jesse Robredo at ang panukalang batas ang mga pamilyang nakatira sa mga  itinuturing  na danger zones tulad ng esteros, railroad tracks, garbage dumps, riverbanks, shorelines, waterways ay dapat na mailipat sa malapit na lugar matapos ang dalawang taon ng implementasyon ng naturang panukala.

“Bawat tao kailangan ng maayos na tahanan, karapatan natin ito,” sabi ng senador.

“In celebration of Secretary Robredo’s life and legacy, we commit to do all we can to see this bill through passage,” dagdag ni Pangilinan.

128

Related posts

Leave a Comment