INTEL NI DUTERTE PUMALPAK KAY ALBAYALDE

(NI BERNARD TAGUINOD)

PUMALPAK ang intelligence ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Gen. Oscar Albayalde nang italaga niya ito bilang hepe Philippine National Police (PNP) noong nakaraang taon.Sa press briefing, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na napatunayan na hindi gumana ang intelligence network ni Duterte kay Albayalde dahil hindi nito naamoy ang kontrobersyang kinasasangkutan nito sa ‘ninja cops’ ng Pampanga noong 2013.

“Laging sinasabi ni Presidente Duterte, magaling ang intelligence ko, bakit hindi niya namalam na si Albayalde pala ay tao niya ang mga ninjan cops sa Pampanga eh 2013 pa nangyari yan,” ani Gaite.

Magugunita na isang buwan bago ang retirement ni Albayalde ay nabunyag na mga tao nito ang Ninja cops sa Pampanga na nangupit ng shabu na kanilang nahuli at pinalaya umano ang inarestong Korean national kapalit ng P50 Million.

Dahil sa nasabing kontrobersya, maagang iniwan ni Albayalde ang pamumuno sa PNP at naghihintay na lamang ito ng kanilang retirement age sa Nobyembre 8, para tuluyang magretiro sa serbisyo.

NEXT PNP DI DAPAT ‘MAKE-UP ARTIST’ KUNDI PLASTIC SURGEON

Samantala, sinabi naman ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap na hindi dapat isang make-up artist kundi plastic surgeon ang susunod na PNP chief upang maibangon ang imahe ng organisasyon.

“Medyo hindi naging maganda itong mga nakaraang linggo para sa imahe ng PNP. Hindi natin kailangan ng susunod na PNP Chief na make-up artist at tatakpan lang pansamantala yung pangit sa imahe, ang kailangan natin is a plastic surgeon, permanent solution”, ani Yap.

Ayon sa mambabatas, hindi lamang umano dapat magaling sa paglaban sa kriminalidad at mapanatili ang peace and order sa bansa ang dapat italaga ni Pangulong Duterte na susunod na PNP chief kundi magaling din ito sa paglilinis sa mga scalawags na miyembro ng organisasyon.

Sa ngayon ay hindi pa pinapangalanan ni Duterte ang susunod na PNP chief na papalit kay Duterte dahil sa kasalukuyan ay OIC o Officer in Charge lamang ang namumuno sa PNP sa katauhan ng Lt.Gen. Archie Gamboa.

161

Related posts

Leave a Comment