INTERNET SA MGA LALAWIGAN, PALAKASIN – SOLON

NAIS ng isang mambabatas mula sa Kongreso na mapalakas at mapahusay ang Internet speed sa mga lalawigan para sa mg magbabalik probinsiya na workers sa online learning at work-from-home.

Ayon kay Bohol 3rd District Representative Alexie Besas Tutor, napag-iiwanan ang Internet service sa bansa, lalo na sa mga probinsya kaya kailangang mapabilis ang pagtatayo ng common towers na itinatadhana sa DICT charter.

Suhestiyon ng mambabatas, dapat mapabilis ang pagtatayo ng mga imprastrakturang ito at kailangang buwagin ang anomang red tape na humahadlang sa mga telecom upang maitayo ito.

“Internet access is a human right. Deklarasyon yan ng United Nations. Sa ipatutupad na Balik-Probinsya program ng ating pamahalaan, kailangang isaalang-alang ang mabilis, maaasahan at mura (kung di man libreng) internet access ng mga magiging beneficiaries ng Balik-Probinsya,” ani Cong. Tutor.

Sinabi pa ng mambabatas na sa gitna ng new normal bunsod ng COVID-19 pandemic, kung saan online learning at work- from-home schemes na ang mas karaniwang paiiralin, lalong matingkad ang pangangailangan sa isang reliable na internet service para sa lahat ng Filipino.

“The DICT guidelines alone would not be enough to make results happen on the ground. For example, in our province Bohol, there are 11 specific locations identified and included in the long list of priority sites for common tower rollout. Four locations in Bohol were identified by the DICT as “Hard to Acquire,” some are in Tagbilaran City, while four other sites are in the towns of Candijay, Talibon, Tubigon, and Ubay,” pahayag pa ni Tutor.

“I suggest the crafting and issuance of a Joint Memorandum by the DICT, DILG, and DTI. Toward this goal, one approach is for the DICT to address the difficulties in rolling out the Common Tower Policy at the LGU level in collaboration with the DILG and DTI plus direct consultations concerned provinces, cities, and towns,” pahayag pa ng mambabatas. CESAR BARQUILLA

89

Related posts

Leave a Comment