Inutang ni Duterte, P6.052 trillion na DEBT CRISIS SA PINAS NAKAUMANG

0

NAHAHARAP sa matinding dagok ang mga Filipino ngayong baon na sa utang ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang kontra-SONA kahapon, sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na isa sa mga hindi inamin ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address noong Lunes, ang pagkabaon sa utang ng bansa dahil sa loob lamang ng 5 taon ay nakautang na ito ng P6.052 trillion.

Posible pa umanong madagdagan ang utang na iiwanan ng Duterte administration bago ito bumaba sa puwesto sa 2022.

“The national debt is projected to hit P12 trillion this year, an increase by P6.052 trillion from the P5.948 trillion recorded in June 2016 just before President Duterte assumed office,” ani Lagman.
Mas malaki umano ito sa pinagsama-samang inutang ng mga nagdaang pangulo ng bansa mula kay Ferdinand Marcos, Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo at Benigno “Noynoy”Aquino.

“In one year, the national debt increased by more than P2 trillion. And in May 2021, the national debt stood at P11.071 trillion,” ayon pa sa kongresista.

Hindi idinetalye

Hindi rin umano idinetalye ni Duterte sa sambayanang Filipino kung papaano ginamit ng mga ito ang P2 trillion na kanilang inutang noong 2020 nang magsimula ang pandemya sa COVID-19.

Dahil dito, kailangang magsagawa aniya ng imbestigasyon ang Kongreso dahil kung ikukumpara ang pagtugon ng gobyerno sa pandemya ay mistulang hindi naramdaman ng taumbayan ang inutang ng mga ito.

“While the imperative to fund our Covid response largely explains the bloating of the national debt, we must realize that the country may be heading in the direction of another crisis – a debt crisis,” dagdag pa ng mambabatas dahil inaasahan na aabot na sa P1 trillion umano ang debt service o babayarang utang ng gobyerno taon-taon. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment