Ipasasagot ng NTF sa PhilHealth MEDIAMEN LIBRE SA COVID-19 TESTING

PLANO ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon na magkaroon ng libreng coronavirus testing sa hanay ng ng media.

Ayon kay Sec. Dizon, kanyang isusulong ang regular na COVID-19 testing sa mga miyembro ng media na nakaliligtaang sektor at maituturing ding frontliners.

Sa plano ni Sec. Dizon, kada dalawang linggo ang test sa mga mamamahayag at libre ito sa Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng PhilHealth.

Kasama ni Dizon si Philippine Red Cross Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Sen. Richard Gordon nang ihayag ang libreng COVID-19 testing para sa media nang suriin nila ang bagong Philippine Red Cross Molecular Laboratory sa Clark, Pampanga.

Ang pasilidad ay mayroong dalawang RT-PCR (real-time reverse transcription polymerase chain reaction) machines na kayang magproseso ng 2,000 tests kada araw.

Kapag naging operational, mahalaga ang laboratory sa implementasyon ng “Test, Trace and Treat” strategy ng gobyerno para mapaigting ang daily testing capacity. JESSE KABEL

65

Related posts

Leave a Comment