IRR NG DMW APRUBADO

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang implementing rules and regulations (IRR) ng transition committee ng Department of Migrant Workers (DMW).

Sa isang pagdinig na isinagawa sa House committee on overseas workers affairs, anim na ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang nagkumpirma ng validity ng memorandum na sinasabing mula sa Malakanyang na nagsasaad na inaprubahan na ng Pangulo ang IRR ng Republic Act No. 11641 o “An Act Creating the Department of Migrant Workers”.

“In recognition of the authority of the Transition Committee to formulate IRR pursuant to Section 23(A) of RA No. 11641, the President interposes no objection to the submitted IRR and cleared its immediate publication,” ang nakasaad sa memorandum na may petsang Abril 18.

Dahil dito, epektibong mapawawalang-bisa ang IRR na inilathala ni DMW Secretary Abdullah Mama-o kung saan nauna nang umapela ang komite kay Pangulong Duterte na ideklara itong ‘void.’
Iginiit ni Mama-o na ang inilathala niyang IRR ay base sa batas at hindi dapat kaagad na ibasura. (CHRISTIAN DALE)

119

Related posts

Leave a Comment