ISA PANG PACQUIAO PASOK NA MIYEMBRO NG KONGRESO

pacman3

(NI BERNARD TAGUINOD)

ISA pang Pacquiao ang mapapabilang sa Kongreso sa katauhan ni Alberto Paquiao na first nominee ng OFW Family party-list at kabilang sa mga nanalo noong nakaraang eleksyon.

Si Alberto na kilala din sa tawag na “Bobby” ay isa ring boksingero at nakakabatang kapatid ni Sen. Manny Pacquiao. Siya ang  ikatlong Pacquiao na magiging miyembro ng Kongreso.

Naging WBC featherweight at barangay chair si Bobby Pacquiao sa Barangay Labangal, General Santos City  bago ito naging first nominee ng OFW Family kung saan nakakuha ng isang silya sa nakaraang eleksyon.

Sa kasalukuyan ay ang kapatid nina Sen. Manny at Bobby na si Ruel Pacquiao ang kinatawan ng Lone District ng Sarangani Province at muling nahalal para sa ikalawang termino noong nakaraang eleksyon.

Unang pinasok ni Sen. Pacquiao ang pulitika noong 2007 matapos tumakbo bilang kinatawan ng South Cotabato subalit tinalo siya ni dating congresswoman Darlene Antonino-Custodio.

Gayunpaman, noong 2010 election ay muling tumakbo si Pacquiao sa Kongreso bilang kinatawan ng Sarangani Province kung saan ito nananalo at muling nahalal noong 2013.

Noong 2016 ay tumakbo si Sen. Pacquiao sa Senado at nanalo para sa kanyang unang termino na matatapos sa 2022.

 

150

Related posts

Leave a Comment