ISA SA 3 BATANG PINOY, NABABANSOT

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NABABAHALA na si Senador Leila de Lima sa lumolobong bilang ng mga kulang sa kalusugan na batang Filipino dahil sa hindi tamang diet at kakulangan sa pagkain.

Ito ay kasunod ng global report warning ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na nagsasabing tumataas ang bilang ng unhealthy Filipino children at adolescents.

Iginiit ni de Lima na tungkulin ng gobyerno na pangalagaan ang kalusugan at magbigay ng tamang nutrisyon sa mamamayan partikular sa mga bata upang maproteksyunan sila laban sa nakamamatay na health conditions.

“The State should also ensure that healthy food options are available in the market and are accessible for everyone, especially the poor, by encouraging business establishments to sell healthier yet affordable food to consumers, among others,” saad ni de Lima.

Sa report ng UNICEF, isa sa bawat 3 Pinoy na may edad lima pababa ay mas maliit sa kanilang tamang sukat batay sa kanilang edad at 7% sa mga ito ay payat para sa kanilang height.

Lumitaw na nasa 10% ng adolescents ang itinuturing na overweight.

Nakasaad din sa global report na tumaas ang tsansa ng mga Pinoy na bata at matatanda na dapuan ng sakit dahil sa hindi kumpletong bakuna, poor hygiene at hindi tamang diet kasama na ang hindi tamang pagkain at kawalan ng makakain.

 

377

Related posts

Leave a Comment