IT-BASED JOBS SA MGA PINOY DADAGSA

UMAASA ang top diplomat ng Pilipinas sa China na ang kamakailan lamang na bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping ay makalilikha ng mas maraming job opportunities para sa Filipino customer service providers.

Sa pamamagitan ng nilagdaang kasunduan na naglalayong payagan ang mga Pilipino na makakuha ng “technology at technological knowledge” mula sa China, inaasahan ni Ambassador Jaime FlorCruz na ang Chinese companies ay magsisimulang tumanggap ng mga pilipino bilang kanilang backbone para sa customer support.

“Call center po halimbawa. Marami pong Chinese companies, IT companies na nagre-rely, na kailangan ng customer service,” ayon kay FlorCruz sa Laging Handa public briefing.

“Pero mahina po ang kanilang English staff, halimbawa. So, pwede po tayo doong makapasok, na magkaroon ng agreement with Chinese IT companies para Pilipino ang magiging backbone nila ng call center,” dagdag na pahayag nito.

Ang IT industry ay nag-iisang industriya na pinalakas sa three-day state visit ni Pangulong Marcos sa China. Kabilang sa iba pang industriya ang agrikultura at imprastraktura, kung saan mas maraming oportunidad ang inaasahan na malilikha para sa mga Pilipino. (CHRISTIAN DALE)

22

Related posts

Leave a Comment