(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY LUCAS LUKE)
PINATUTULONG ng isang mambabatas sa Kamara ang mga Information Technology (IT) experts para mawasak ang app ng ‘momo challenge’ dahil sa nganganib ang mga followers nito na pawang mga kabataan.
Bukod sa momo challenge, kailangan din umanong mawasak sa pamamagitan ng virus na bubuuin ng mga IT experts ang mga ‘nudity challenge”, online bullying message at images kasama na ang online scam.
“I am a gamer. Maybe the software developers can create a sort of antivirus that will search and destroy all the momo pictures and videos. Maybe the software developers can deploy a mobile app and pc software parents can install into their kids’ computers and cellphones for defense or block against such kind of malware and cyberspace content,” ani Aangat Tayo party-list Rep. Neil Abayon.
Maraming natatakot na mga magulang na mabiktima ang kanilang mga anak sa nasabing momo challenge kung saan tinuturuan ang mga followers na kabataan kung paano pumatay at magpakamatay.
Dahil dito, kailangan na kailangan na aniya ang tulong ng mga IT experts dahil walang ibang solusyon umano dito kundi teknolohiya kaya tanging ang virus ang nakikita ng mambabatas na panlaban dito.
“What we need here is a technology solution. We need Facebook, Google and software developers to come up with countermeasures versus suicide games, nudity challenges, online bullying messages and images, and online scams,”dagdag pa ng kongresista.
Umapela din ang mambabatas sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng social media upang mailayo ang mga ito sa kapahamakan at makagawa ng hindi maganda sa kapwa.
Nababahala lang ang mambabatas sa mga magulang na walang alam sa computer subalit kaya kailangang kausapin ng mga ito ang kanilang mga anak na iwasan ang mga ganitong mga apps.
“No amount of media literacy efforts will completely stamp out these suicide games, but media literacy can help. Media literacy is an indirect solution and it takes a lot of time and effort, “ ayon pa kay Abayon.
103