JEEPNEY MODERNIZATION DAPAT SERYOSOHIN

jeep55

(NI NOEL ABUEL)

DAPAT seryosohin ng pamahalaan ang pakikipag-usap sa mga driver at operator ng pampublikong jeepney upang makapaglabas ng maayos na solusyon para sa transportation system sa bansa.

Sinabi ni Senador Grace Poe na matagal pa bago masolusyunan ang isinusulong na jeepney modernization program ng pamahalaan kung kaya’t dapat lamang na seryosohin ito upang makinabang hindi lamang ang mga driver/operator kung hindi maging ng publiko.

“The government should address the legitimate concerns to ensure that this undertaking would help improve our transportation system. The program, no matter how promising it looks, should also not brush aside transparency and due process for drivers and operators who only ask government to consider their plight,” paliwanag ni Poe.

Umaasa ito na magiging maayos ang usapan ng mga operator ng jeep at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang mangyari ang ninanais na pagbabago ng mga ito.

“Sana ay makapag-usap muli nang may kahihinatnan ang LTFRB at mga driver/operator. Umasa tayong mula noong nakaraang taon nang magsimulang pag-usapan ang modernization ay umusad ang pagkakaunawaan ng dalawang panig tungo na rin sa maayos na tahakin ng programa,” sabi pa nito.

“Kailangan ang bukas na komunikasyon at matapat na paglalahad ng mga kaganapan para hindi naman nangangapa sa dilim ang ating mga kababayan, pati na ang mga driver at operator. Lahat tayo ay nagnanais ng kaginhawahan at pag-unlad–nang may karampatang pagsasaalang-alang sa lahat,” dagdag pa ng senador.

 

147

Related posts

Leave a Comment