JINGGOY HAPPY SA BAKASYON SA HK

MASAYA si Senador Jinggoy Estrada matapos siyang payagan ng Sandiganbayan na makapagbiyahe at makapagliwaliw sa Hongkong kasama ang pamilya mula December 26-31.

Tutol man ang prosekusyon, pumayag naman ang Sandiganbayan na ituloy ang biyahe. Ito ay kabila ng pagpapatuloy ng kaso nito laban sa pork barrel fund scam. Sa resolusyon ng Fifth Division ng anti-graft court, pinayagan si Estrada na pumunta sa Hongkong para makapagliwaliw kasama ang buong pamilya at bilang paghahanda sa kampanya sa susunod na taon.

Nauna nang sinabi ni Estrada na ang purpose ng biyahe ay para makasama ang kanyang pamilya ngayong holiday season.

Ito rin daw ang pagkakataon nila para makapag-relax at makapagpahinga na rin sa pressure ng kanyang pangangampanya para sa halalan sa susunod na taon. Tinutulan ng prosekusyon ang biyahe ni Estrada, na tatakbo bilang senador sa 2019 elections, dahil sa kawalan daw nito ng urgency ngunit nabalewala rin ng Sandiganbayan.

8

Related posts

Leave a Comment