JULY 19 ‘NATIONAL HOPIA DAY’

ANG kauna-unahang “National Hopia Day” sa Pilipinas ay gaganapin sa July 19, kung saan ang Eng Bee Tin ang ang napiling manguna sa selebrasyon.

Sa July 19 hanggang 21, 2024, ang pagdiriwang ay gaganapin sa Mall of Asia Music Hall bilang pagbibigay ng karangalan sa Filipino-Chinese heritage, kung saan malaking bahagi ang ‘hopia’, ayon kay Gerik Chua, Eng Bee Tin’s chief operating officer, at kapatid nitong si Roche Chua na siya namang finance manager ng kumpanya.

Ang nasabing event ayon pa sa kanila, ay magiging puno ng kasiyahan at sorpresa, magkakaroon din ng star sightings at games para sa buong pamilya at may pagkakataon pang manalo ng premyo kabilang na ang lifetime supply ng Eng Bee Tin products.

Nabatid mula kay Gerik, ang kasaysayan ng hopia sa Pilipinas ay nagsimula noong unang bahagi ng 1900s nang dumating sa bansa ang unang Chinese immigrants mula sa Fujian province sa China.

“Hopia is a staple snack and pastry for the Chinese, it’s their version of puff pastry. They brought this culture with them as they lived in the Philippines. Chinese families would bake this at home or sell it in their small neighborhood bake shops catering to the Chinese community,” aniya, idingdag na ang ‘hopia’ ay mula sa Fookien Word “Ho-Bia” na ang ibig sabihin ay ‘Good Biscuit’.

“Traditionally made up of a flaky pastry exterior with a sweet mung bean paste filling, the pastry gained popularity over the years, among mainstream Filipino consumers as a tasty snack and cheap everyday treat. Flavors such as Hopia Mongo, Hopia Baboy and Hopia Hapon were crowd favorites,” salaysay pa nito.

Sa kanyang bahagi, sinabi naman ni Roche na noong huling bahagi ng 1980s nang gawin ng kanilang ama na si Gerry Chua, ang kauna-unahang ‘Ube Hopia’.

Sa kasalukuyan, ang Eng Bee Tin ay may malawak na pagpipilian ng mga flavor ng hopia na pawang Filipino flavors at naging pangunahing pasalubong ng mga Pinoy.

“Extremely grateful and honored to be able to serve the Filipinos for 112 years, and with our commitment to quality and innovation, we are excited to serve you more great flavors for the years to come,” pahayag naman ni Gerry, president at CEO ng Eng Bee Tin, na ngayon at nasa ika-112 taon na. (JESSE KABEL RUIZ)

31

Related posts

Leave a Comment