(NI DAHLIA S. ANIN)
NAKIKIPAG-USAP na umano ngayon ang Department of Education (DepEd) sa Civil Service Commission (CSC) sa posibilidad na makakuha ng trabaho sa gobyerno ang graduate ng K to 12.
Ito ay ayon kay Education Secretary Leonor Briones habang tinatalakay ang budget ng departamento sa House Committee on Approriations.
“We are now negotiating and discussing with the CSC na i-allow ang graduates ng Senior High School which is equivalent to two years of college, to be admitted in government because they already know this architecture, economics, mathematics…They can do many task in government,” sabi ni Briones sa nga lawmakers sa budget briefing.
“Sa vocational naman, they are not yet graduates, but they can start working..but we have to validate all of these,” dagdag pa ni Briones.
Matatandaang naitatag ang K to 12 Program dahil sa Republic Act No. 10533 o ang Enhance Basic Education Act of 2013, na nagdadagdag ng dalawang taon sa dating 10-year basic Education kasama naang kindergarten.
Ang Senior High School o ang huling natitirang dalawang taon bg K to 12 program ay inaasahang maghahasa sa nga estudyante sa nga skills na kailangan nila para makapagtrabaho, magnegosyo, at skills development para sa technical-vocational training.
Nagsimula na umano magsaliksik ang departamento sa career path na maaring tahakin ng isang estudyante na natapos na ang programa.
Nasa P551 billion ang budget na ipagkakaloob sa DepEd, na siyang pinakamalaking bahagi ng kabuuang P673 Billion na ibibigay sa sektor ng edukasyon sa ilalim ng 2020 National Expenditure Program (NEP).
Kasama na sa NEP 2020 budget ng DepEd ang P8.9 billion na alokasyon para sa computerized program ng departamento, P205 million para sa benepisyo ng administration personnel, P5 billion para sa school based feeding program at P36 Billion para sa delivery ng basic educations facilities.
141