(NI DANG SAMSON-GARCIA)
SUSURIIN ng joint congressional oversight committee ang implementasyon ng K-12 program ng gobyerno upang matukoy kung nakakasunod ito sa layunin na maka-develop ng mga competitive na Pinoy at maaga silang maihanda sa pagsabak sa trabaho.
Ayon kay Senador Win Gatchalian, rerebisahin nila sa Enero ang implementasyon ng programa upang matiyak na naibibigay nito ang lahat ng pangangailangan ng mga estudyante at pribadong sektor.
“The K-12 program is a massive historical educational reform we introduced to produce quality of graduates that our country needs. While the program has gaps and challenges, we need to sustain it in a way that also addresses implementation issues to provide quality education and boost global competitiveness,” diin ni Gatchalian.
Sinabi ni Gatchalian na una nang nagkaisa ang mga kongresista sa pagsasabing hindi bigo ang K-12 program na makadevelop ng mga senior high school (SHS) graduates na maaari nang sumabak sa trabaho.
Aminado ang senador na pinakamalaking hadlang sa implementasyon ng K-12 programa ay ang kakulangan ng mga equipment sa mga paaralan.
“We need to come up with strategic solutions because industries will suffer and decline without a workforce equipped with the competencies required of the 21st century and Industry 4.0 (a new phase in the industrial revolution)”, diin ni Gatchalian.
Tiniyak din ni Gatchalian na bubusisiin din nila sa Senado ang budget proposal para sa K-12 program na pinaglaanan ng P550.89 billion.
“As we work towards finalizing the 2020 budget, we will ensure that the program gets an allocation that responds to the needs of both students and teachers. We need to make parents and students feel that this program is helpful, not an added burden,” giit pa ng senador.
152