(NI MAC CABREROS)
LILINANGIN ng ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang mga kabataan para maging negosyante pagdating ng panahon.
Binuo na ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para itaguyod ang Republic Act No. 10679 o Youth Entrepreneurship Act.
Partikular na tagapagtaguyod ang Bureau of Curriculum Development ng DepEd kung saan iangkla ang entrepreneurship sa Senior High School.
“We believe that entrepreneurship changes the way we live and work. A change in mindset will help make entrepreneurship a viable career option and a way to get ahead in life,”pahayag BCD Director Jocelyn Andaya.
Samantala, maipagpapatuloy ng 139 preso o person deprived of liberty ang kanilang pag-aaral matapos pumasa sa Accreditation and Equivalency ng Alternative Learning System o A&E-ALS.
“Masaya po ako na makasama ninyo ngayon dito sa inyong tinatawag na milestone sa buhay. Natutuwa pa rin ako tuwing bumabalik ako at nakikita ko ‘yung mga achievements ng mga tao na nandito ngayon katulad po nitong graduation o inyong pagtatapos,” pahayag Assistant Secretary for Public Affairs Service at ALS Program and Task Force, G.H. Ambat, Ambat.
225