KABIGUANG MAIBIGAY ANG PONDO PARA SA MGA AETA SA CENTRAL LUZON, PINABUBUSISI

PINAIIMBESTIGAHAN ni Sen. Robin Padilla ang pagkabinbin ng kasunduan noong 2007 na nagtitiyak ng pondo para sa mga Aeta sa Clark Sub-Zone sa Gitnang Luzon.

Inihain ni Padilla ang Senate Resolution 149 na nagsusulong na imbestigahan ang Joint Management Agreement ng Clark Development Corp., National Commission on Indigenous Peoples at Tribong Ayta noong Disyembre 6, 2007.

Alinsunod sa resolusyon, ang Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs, na pinamumunuan ni Padilla, ang magsasagawa ng imbestigasyon.

Ayon kay Padilla, 14 taon na ang nakalipas simula nang lagdaan ang JMA, subalit hindi pa rin natatanggap ng Tribong Ayta ang kanilang share sa renta sa paggamit aa ancestral domain sa Sitio Haduan, Mabalacat, Pampanga.

Sinabi naman ni CDC President Manuel Gaerlan, hindi nila maibigay ang 20% share sa Tribong Ayta dahil may tatlong grupo na kumakatawan sa mga Ayta – ang BATA, MATA, at STA.

Dahil dito, inilagay ng CDC ang pondo, na umabot na sa P19.203 milyon noong Oktubre 31, 2019, sa trust fund sa Land Bank of the Philippines.

Sa kanyang resolusyon, iginiit ni Padilla na imbestigahan ang isyu para matiyak ang karapatan ng mga Ayta – at suriin ang pagpapatupad ng JMA, kasama ang papel ng NCIP. (DANG SAMSON-GARCIA)

4

Related posts

Leave a Comment