KAHALAGAHAN NG WASTE MANAGEMENT, RECYCLING SA PANDEMIC IGINIIT

INIHAYAG ni Senador Cynthia Villar na ngayong may pandemic, hindi dapat isinasantabi ang waste management at recycling bagkus kailangan itong bigyan ng prayoridad upang maiwasan ang paglaganap ng sakit.

Sa pahayag, sinabi ni Villar na mismong World Health Organization (WHO) ang nagsabi na kapag hindi kaagad nalutas ang problema sa solid waste, tataas ang banta sa kalusugan kaya mas lalong magkakaroon ng demoralisasyon sa komunidad na lubha nang na-trauma sa health emergency.

“We all know that a clean environment is a healthy environment. Improperly disposed wastes can cause infection and contamination. So, we should take proper waste disposal and management even more seriously,” ayon kay Villar, chairman ng Senate committee on environment and natural resources.

Sinabi pa ni Villar na bukod dito, ganito ang pahayag ng International Solid Waste Association – “Waste Management is one of the most important sanitary barriers to prevent dissemination of illnesses and diseases”.

Binigyan diin ng senador na makatutulong din ang recycling ng recyclable wastes sa panahon ng community quarantine. Aniya, sinabi ng mga eksperto na mahalaga ang recycling efforts sa oras ng pandemic at pagkatapos nito.

“Proper waste management becomes even more crucial now during quarantine or lockdown because some waste collection services are discontinued or disrupted. But the amount of wastes produced continues to increase,” ayon kay Villar na nakapagpatayo ng 3,000 livelihood projects sa buong kapuluan. Sa paggamit ng recyclable waste bilang raw materials, nakatutulong ito sa pagproseso ng basura.

Ang mga ito ay water hyacinths para sa water lily handicraft-weaving enterprise at handmade paper factory, waste coconut husks para sa coconet-weaving enterprise at charcoal-making factory, kitchen at garden wastes sa organic fertilizer composting facility at plastic wastes sa waste plastic recycling factory na gumagawa ng silya sa paaralan.

Sa coconet weaving enterprises, ginagawang coconets, organic fertilizers at charcoal brisquettes ang bunot ng niyog.

Gamit ang decorticating machine, kinukuha ng mga manggagawa ang fiber at coco peat mula sa bunot na gamit sa coconet. Inihahalo ang coco dusts sa household wastes para gumawa ng organic fertilizers na ibinibigay nang libre sa mga magsasaka at urban gardeners. Nakakukuha ang decorticating machine ng fiber at dust mula sa aabot sa 8,000 waste coconut husks araw-araw.

Itinayo rin ni Villar ang vermicomposting facility sa mga barangay na kumokolekta sa kitchen at garden wastes na dinadala sa composting facility. Sa ngayon, may 80 composters na ginagamit ng 80,000 households.

Tinugunan din niya ang lumalalang suliranin sa plastic pollution sa pag-recycle ng plastic wastes.

Base sa pag-aaral ng University of Georgia, pangatlo ang Pilipinas, kasunod ng China at Indonesia (sa 192 bansang sinurvey), sa dami ng plastic wastes ng populasyon. (ESTONG REYES)

776

Related posts

Leave a Comment