HINDI kaligtasan para sa mga pulis na isinasangkot sa droga ang pagreretiro na iniaalok ng pamunuan ng PNP.
Ito ang paniniwala ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa gitna ng batikos sa Pambansang Pulisya dahil sa pagtanggi na isapubliko ang listahan ng umano’y narco cops.
Taliwas naman sa naunang pahayag ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa na hindi niya ikukonsiderang pag-amin sa kasalanan kung kakagatin ng ilang pulis ang alok na maagang pagreretiro, sinabi ni Sec.
Panelo na kung tatanggapin ang optional retirement, pag-amin ito na sangkot talaga sa ilegal na aktibidad ang isinasabit na pulis.
Kahit naman aniya magretiro nang maaga ang mga pulis ay hindi ito mangangahulugan na libre na sila sa ihahaing reklamong kriminal.
Dagdag pa ng tagapagsalita ng Pangulo na kung sadyang may ebidensiya ay tuloy pa rin naman ang asunto laban sa mga dati o bagong pulis. CHRISTIAN DALE
158