Kahit maraming kontra MAHARLIKA BILL INAAPURA SA KAMARA

SA halip na pakinggan ang kabi-kabilang pagkontra mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, hiniling ng liderato ng Kamara de Representantes kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklarang “urgent” ang Maharlika Wealth Fund bill sa hangaring maipasa agad ang kontrobersyal na panukala.

“If you ask me why don’t we just certify it as urgent so if you go to Davos we can just talk about having a sovereign wealth passed through the House of Representatives and that will be a very very exciting thing,” ani House Speaker Martin Romualdez sa panayam kasama ang mga foreign media na dumalo sa ASEAN-EU Commemorative Summit na ginanap sa Brussels, Belgium.

Kabilang si Marcos sa mga imbitado sa World Economic Forum (WEF) na idaraos sa avos, Switzerland mula Enero 16 hanggang 20, 2023.

Sa sandaling sertipikahan bilang urgent bill ang HB 6608 (revised version ng HB 6398 na inihain sa Kamara ni presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos), posibleng makalusot ito sa loob lang ng maghapon.

Sa ilalim ng umiiral na reglamento ng Kongreso, may patlang na tatlong araw ang pagsalang sa plenaryo para sa ikatlo at huling pagbasa ng isang panukalang hindi klasipikadong “urgent bill” ng nakaupong Pangulo.

Para kay Romualdez, angkop para sa Pangulo na ideklarang urgent bill ang isinusulong na Maharlika Wealth Fund lalo pa aniya’t may “overwhelming support” mula sa mga miyembro ng Kamara.

Katunayan aniya, 99 na kongresista na ang lumagda bilang co-author ng HB 6608.

Bad Timing

Iba naman ang paniwala ni Camarines Norte Rep. Gabriel Bordado Jr. Para sa kinatawan ng isang distrito sa Bicolandia, hindi napapanahon ang Maharlika Wealth Fund (MWF).

Paliwanag ni Bordado, lugmok, baon sa utang at walang sapat na kakayahan sa pananalapi ang pamahalaan para pondohan ang naturang panukala.

“Sa aking paniniwala, hindi pa napapanahon. Unang una wala tayong kakayahan dahil sa napakalaki nating utang,” ayon kay Bordado sa kanyang inihaing manifestation sa ginanap na deliberasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Gayunpaman, nananatili naman umano siyang bukas sa panukala sa kondisyong palaguin muna ng pamahalaan ang ekonomiya ng bansa, kasabay ng pagtugon sa mga mamamayang labis na apektado ng mabilis na pagtaas ng mga bilihin sa pamilihan.

(BERNARD TAGUINOD)

27

Related posts

Leave a Comment