KAHIT ‘NILINIS’ NI DIGONG SA DROGA IMBESTIGASYON KAY ESPENIDO TULOY

ILLEGAL DRUGS-2

HINDI pa rin abswelto si Police Col. Jovie Espenido sa kontrobersiyang kinasasangkutan nito kahit hindi naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dawit ito sa ilegal na droga.

Para sa Malakanyang, hindi pa rin off-the-hook si Espenido sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng PNP sa mga itinuturong opisyal ng PNP na dawit sa droga kahit pa nilinis ni Pangulong Duterte ang pangalan nito.

Inulit ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang sinabi ni DILG Sec. Eduardo Ano na magkakaroon pa rin ng imbestigasyon sa kaso ni Espenido.

Aniya, walang direktang utos si Pangulong Duterte sa DILG o sa  PNP  na kumuha muna ng clearance sa Palasyo bago magbanggit ng mga pangalan ng mga indibidwal na kasama sa narcolist. CHRISTIAN DALE

 

136

Related posts

Leave a Comment