KAHIT SABLAY SA ‘2ND WAVE’, DUQUE HINDI SISIBAKIN

MANANATILI sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng kontrobersiyal na pahayag nito na kasalukuyan nang nasa 2nd wave ng COVID-19 ang bansa na pinalagan naman at ikinagulat ng mga eksperto.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sasagutin ng Kalihim ang mga alegasyon laban sa kanya sa tamang forum.

Sa ngayon ay hayaan na munang gawin nito ang kanyang trabaho habamg nahaharap sa global health emergency ang bansa.

“Secretary Francisco Duque III serves at the pleasure of the appointing authority, President Rodrigo Roa Duterte, in this challenging time.”

“Secretary Duque will answer allegations in the proper forum but for now let us allow him to do his job during this global health emergency,” ayon kay Sec. Roque.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na kailangang may managot para sa pagbibigay kalituhan sa ulat na ang bansa ay nasa second wave na ng COVID-19 infections.

Iyon nga lamang, ang desisyon na parusahan ang taong ito ay nakasalalay sa senior officials ng pamahalaan.

“Hinahayaan ko na muna po iyan sa liderato ng ating pamahalaan. Tagapagsalita lamang ako,” ayon kay Sec. Roque.

wave ng infections.

Inamin ni Sec. Roque na ang pahayag ni Sec. Duque ay nagdulot ng “fear and panic” sa mamamayan na nag-aalala lalo pa’t nahaharap ngayon sa COVID-19 pandemic.

“Sa ngayon busy ako magbigay linaw na nasa first wave pa lang tayo dahil matindi yung takot at panic na dinulot ng ganyang statement na diumano ay nasa second wave na tayo,” ayon kay Sec. Roque. CHRISTIAN DALE

73

Related posts

Leave a Comment