KAKARAG-KARAG NANG PUV PAPALITAN — DOTr

jeepney44

(NI KEVIN COLLANTES)

TINIYAK ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na hindi kayang pigilan ng mga bantang tigil-pasada ng mga driver ang pagpapatupad ng pamahalaan ng PUV Modernization Program.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, tuluy-tuloy ang pagpapatupad nila ng naturang programa na aniya ay maituturing na pinakamalaking transformational initiative ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng programa, papalitan ng mga modernong public utility vehicles (PUV) ang mga kakarag-karag, mausok at takaw-disgrasyang lumang pampublikong sasakyan.

Magkakaloob din ang pamahalaan ng subsidiya para sa mas ligtas, kumbinyente at maginhawang pagbibiyahe ng mga pasahero.

Ang pahayag ay ginawa ni Tugade matapos na magbanta muli ng nationwide transport strike o malawakang tigil-pasada ang mga driver ng PUV na tutol sa naturang modernization program, sa pangunguna ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO).

194

Related posts

Leave a Comment