(NI DANG SAMSON-GARCIA)
HINIKAYAT ni Senador Sonny Angara ang mga economic managers na bumuo ng mga hakbangin upang palakasin ang exports ng bansa sa pamamagitan ng pagsuporta sa local industries.
Sa briefing para sa panukalang 2020 budget, ipinaalala ni Angara na malaking tulong sa paglago ng ekonomiya kung mapalalakas ang export.
Sinabi ni Angara na bagama’t isa ang Pilipinas sa fastest growing economies sa Asya, patuloy namang bumababa ang exports.
Isa aniya sa posibleng gawin ay ang magpokus sa mga innovation sa iba’t ibang rehiyon upang maging kaakit-akit ang produkto ng mga ito sa mas malaking merkado sa buong mundo.
“We have to take a look at what we are providing as support for local industries. Thailand for instance is now producing wine. This is not something anyone would have expected from a country in our region and yet it is now making a name for itself among wine connoisseurs,” saad ni Angara.
Dapat din anyang magpatuloy ang pagdevelop ng mga bagong produkto na maaaring makipagsabayan sa ibang bansa.
“We don’t have to come up high-tech goods in order to make our mark in the world stage. We just need to continuously improve on what we already have, innovate and market these creatively to carve out a niche across various sectors,” diin ni Angara.
179