KALIWA DAM ‘DI KAILANGAN KUNG…

kaliwa dam33

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI na kailangan ang Kaliwa Dam na ipinipilit ng gobyerno na itayo ng China kung aayusin lamang ng Manila Water at Maynilad ang kanilang linya o tubo dahil mas malaki ang nasasayang na tubig kumpara sa makukuha nasabing proyekto.

Ginawa na Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang pahayag matapos magbabala ang Malacanang na nakakaranas ng krisis sa tubig sa hinaharap kapag hindi naitayo ang Kaliwa dam.

Ayon sa mambabatas, 888 MLD (million liters per day) ang nasasayang na tubig dahil hindi inaayos ng mga water concessionaires ang kanilang linya o  tumatagas na tubo.

Mas malaki aniya ito kumpara sa 600 MLD na makukuha lang sa Kaliwa Dam na popondohan ng China ng P12.2 Billion na tiyak na sisira umano sa kalikasan at mapapalayas ang mga katutubo sa Rizal at Quezon.

“Malinaw na mukhang ginagamit lang ang sinasabing kakulangan sa tubig para ipilit ang Kaliwa dam at iba pang mga dam na gusto nilang mapondohan. Hindi nila sinasabi na ayusin lang nila ang mga sirang tubo ay mapipigilan ang sinasabi nilang krisis na hindi sisira ng kalikasan at magpapalayas ng mga katutubo,” ani Zarate.

Ibinase ng mambabatas ang kanyang pahayag sa pag-amin mismo ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) nan a ang non-revenue water (NRW) ng Manila Water ay aabot sa 11% at 39% naman sa Maynila na kung susumahin aniya ay 888 MLD na tubig ang nasasayang dahil sa mga sirang tubo ng dalawang water concessionaires.

Kailangang atasan aniya ng gobyerno ang mga water concessionaires na ito na ayusin ang kanilang linya upang hindi magkaroon ng krisis sa tubig sa hinaharap imbes na ipilit ang Kaliwa Dam na bayaran ng mga susunod na henerasyon sa China.

Maliban dito, kailangang maisaayos ang mga linya na ito dahil kasama ito sa mga binabayaran ng mga consumers kahit hindi nila napakinabangan.

 

235

Related posts

Leave a Comment