Magkakaroon na ng sariling silya ang mga kaliweteng estudyante, hindi lamang sa pampubliko kundi maging sa mga pribadong paaralan sa buong bansa.
Ito ay matapos apruahan sa joint hearing ng House committee on Basic Education, Culture and the Arts at Committee on higher and technical education ang House Bill (HB) 7109 na inatakda ni Antipolo City Rep. Chiqui Roa-Puno na nag-oobliga sa lahat ng educational institution sa bansa na magkaroon left-handed armchair.
Sa ngayon ay pawang mga pang right-handed ang mga silya sa lahat ng mga paaralan kaya nahihirapan ang mga estudyanteng kaliwete kaya nais ni Roa-Puno na magkaroon ang mga ito ng sarili nilang silya.
Layon umano ng panukala na magkaroon ng equal development ang mga left-handed student sa mga right-handed student dahil sa ngayon ay pawang mga right handed ang mga silya sa mga paaralan
Nabatid sa nasabing panukala na 10 porsyento sa mga estudyante sa buong bansa ay mga left-handed at wala silang magawa kundi gamitin ang mga silya na para sa mga righ-handed lamang dahil walang mapagpipilian.
Gayunpaman, lumabas umano sa pag-aaral na matindi ang epekto sa mga left-handed students nang paggamit ng right-handed armchair dahil nagdudulot umano ito sa kanila ng back, neck at shoulder pain. BERNARD TAGUINOD
113