KALUSUGAN UUNAHIN NI NOGRALES

REP NOGRALES-KALUSUGAN

(PFI REPORTORIAL TEAM)

TINUTULAK ng isang bagong mambabatas ang paglikha ng Health Promotion Commission na popon­dohan mula sa 20% ng natitirang incremental revenues na nakalaan para sa kalusugan alinsunod sa Republic Act 10351 o ang Excise Tax Reform Law.

Ang pangunahing tungkulin nito ay upang mabuo ang National Health Promotion Policy Framework and Action Plan para matiyak na kalusugan ang mangunguna sa lahat ng mga polisiyang gagawin, pati na rin ang pagpapakilos ng mga mekanismong panlipunan at ma-monitor ang kanilang pagpapatupad.

Gagawa rin ito ng rekomendasyon para sa pag-unlad ng pamumuhunan sa mga tiyak na sektor na makatutulong sa pagsulong ng kalusugan upang ganap na makamit ang mga layunin sa kalusugan ng buong bansa, kabilang pero hindi limitado ang mga programa para paghahatid ng kamalayan sa kalusugan, pag-aaral sa mga polisiya, pagsusuri sa kasalukuyang batas para matiyak ang proteksyon sa kalusugan, at pagpapatupad ng pilot health promotion projects na magiging basehan sa paggawa ng mga polisiya at mga irirekomendang programa.

Ayon kay Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles, ang Health Promotion Commission ay mangunguna sa pagkambiyo mula sa kasalukuyang uri ng pamumuno sa kalusugan patungo sa isang prayoridad ang pagsasala o maagang pagpigil.

“Ang pagtaas ng kaso ngayon ng mga nakahahawang sakit na kayang pagalingin ng vaccines ay nagpapahiwatig sa amin na baka mali ang ating diskarte,” ayon sa abogadong nagsanay sa Harvard.

Dagdag pa ni Nograles, kailangan tugunan ang ma­ling pananaw ng mga Filipino na nagkaroon ng takot sa bakuna sanhi ng kontro­bersyang hatid ng Dengvaxia.

Ang problema sa kalusugan ay kinabibilangan ng mga nakakaalarmang pagdami ng degenerative and lifestyle diseases gaya ng hypertension, cancer, diabetes at mga aksidente, na ayon sa mambabatas ay nangangailangan ng long term investments para maiwasan.

“Ito ang rason kung bakit kailangan natin ang Health Promotion Commission na multi-sectoral and inclusive. Hindi natin matatapos ang isyu sa kalusugan ng publiko sa pabagu-bagong paraan. Kailangang itong maging sistematiko, na may positibong pananaw para sa pangmatagalang tagum­pay,” ayon pa sa kongresista.

Ani Nograles, ang pangangailangan ng mga kabataan, kababaihan, mahihirap, matatanda, may kapansanan, at margina­lized sectors ay dapat unahin upang matugunan ang umiiral na kakulangan sa kalusugan.

433

Related posts

Leave a Comment