‘KAMAH’ SUMUKO; JOLO BOMBING ITINANGGI 

kamah

(NI JG TUMBADO)

HAWAK na ng Philippine National Police (PNP) ang pangunahing mga suspek sa pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa kanyang regular press briefing kahapon sa Camp Crame.

Ayon kay Albayalde, kasama sa limang mga nagsisuko sa mga awtoridad ay si Kamah Pae alyas ‘Kamah’ at ang mag-aamang miyembro ng kilabot na Abu Sayyaf sub-group na ‘Ajang-Ajang’.

Nitong araw ng Sabado unang sumuko ang grupo ni Kamah sa militar bago umano nai-turn over sa kostudiya ng PNP.

Sinabi ni Albayalde na hindi umamin sa krimen si Alyas Kamah pero ang apat na kasama nito na sina Albaji Kisae Gadjali, alias Awag; Rajan Bakil Gadjali, alias Radjan; Kaisar Bakil Gadjali, alias Isal, at Salit Alih, alias Papong, ay mga nagsi-aminan sa kanilang partisipasyon.

Paliwanag ni Kamah na napilitan siyang lumantad dahil alam niyang tinutugis siya ng mga awtoridad.

Sa paggalugad ng mga awtoridad sa bahay ni Kamah ay dito natagpuan ang ilang mga bahagi ng sangkap sa paggawa ng bomba at ilan pang parte ng improvised explosive device o IED.

Maliban sa mga nagsisuko ay mayroong 14 na iba pa na sinasabing bahagi ng 22 miyembro ng ASG na pinamumunuan ni Hatib Hajan Sawadjaan, ang pinaghahanap pa ng pulisya at militar kaugnay ng Jolo twin blasts.

Nahaharap si Kamah at grupo nito sa patong patong na kaso gaya ng multiple murder at frustrated murder sa tanggapan ng Office of the Provincial Prosecutor sa Sulu.

134

Related posts

Leave a Comment