KAMARA MAGBIBIGAY NG P10-M CASH INCENTIVES SA SEAG GOLD MEDALISTS

(NI ABBY MENDOZA)

MAGBIBIGAY ng P10 milyon dagdag na insentibo ang mga miyembro ng 18th Congress para sa mga atleta na nakakuha ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games (SEAG), ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Cayetano ang nasabing halaga ay kukunin sa sahod ng mga mambabatas sa Enero 2020.

Ang dagdag na cash incentives ay nakapaloob sa  House Resolution 568 na isinulong nina Speaker Cayetano na siyang chair ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC); House Majority Leader Martin Romualdez;  Deputy Speakers Paolo Duterte at Prospero Pichay; House Committee on Accounts chairman Rep. Abraham Tolentino na sya ding presidente ng Philippine Olympic Committee (POC) at House Committee on Youth and Sports Development chairman, Rep. Eric Martinez.

“Whereas, as a concrete manifestation of the commonality of the goal to bring honor and pride to the country, the leaders and members of the House of Representatives deem it proper to deduct individual pledges from their salaries for January 2020 as additional incentives to Filipino gold medal winners in the 30th SEA Games. By winning gold medals in their respective sports in the 30th SEA Games and for bringing great honor and pride to the Filipino people, it is but fitting to grant these athletes the additional incentives from the POC and the House of Representatives,” nakasaad sa resolusyon.

Maliban sa insentibo na makukuha sa Kamara, ang mga winning atletes ay may makukuha rin sa cash incentives sa ilalim ng Republic Act 10699 oNational Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

Sa individual events sa SEA Games, ang gold medalists ay makakuha ng P300,000.00; silver medalists, P150,000.00; at  bronze medalists, P60,000.00.

Sa mga competitions na may 5  participants per team, ang bawat team ay makakakuha din ng parehas na  cash incentives for individual medal winners subalit hahatiin ito sa bawat isa.

Sa team events  na may 5 pataas na miyembro ay parehas din ang kanilang makukuha subalit ang hatian ay 25% sa bawat isa.

Maliban sa mga atleta ay maging mga coaches ay nakakakuha din ng cash incentives sa ilalim ng batas.

Sa kabuuan ay 1,094 Filipino athletes ang naglalaro sa SEAG at may 753 coaches ang tumutulong sa mga ito.

 

90

Related posts

Leave a Comment