KAMARA NAGDAOS NG NECRO SERVICE KAY NOGRALES

nogi12

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG necrological service ang inialay ng House of Representatives bilang huling  pagpupugay sa yumaong si dating House Speaker Prospero Nograles.

Alas 8:00 ng umaga nang dumating ang mga labi ni Nograles sa Batasan Complex na sinalubong ng mga kaanak,  empleyado at kongresista sa pangunguna ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Bago ang misa, ay nagsagawa muna ng flag draping ceremony ang mga Honor Guards na sinalubong ng mga kongresista.

Naging emosyonal ang necrological service kung saan may ilang dating nakasama ng mambabatas ang nakitang umiiyak.

Niyakap at inalo naman ni Arroyo ang umiiyak na balo ni Nograles na si Ginang Rhoda.

Muling nagpaabot ng pakikiramay gayundin ng pasasalamat ang Kamara sa mga naiwang anak ni Nograles lalo na sina Cabinet Secretary Karlo Nograles at Rep Jericho Nograles.

Pagkatapos ng misa ay sinundan ito ng  eulogy kung saan nagsalita ang mga malalapit na kaibigan ni Nograles sa Kamara kasama si Arroyo.

Matatandaang si Nograles ang House Speaker noong GMA administration mula 2008 hanggang 2010.

Kabilang sa mga malalapit na kaibigan sa Kamara ni Nograles na dumalo kahapon ay sina dating House Speaker at Quezon City Rep. Feliciano Belmonte, San Juan Rep. Ronaldo Zamora, dating Majority Leader Boyet Gonzales at maybahay na si Mandaluyong Rep. Queenie Gonzales, Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, Anakpawis Rep. Ariel Casilao, Taguig Rep. Pia Cayetano, dating DFA Sec. Allan Peter Cayetano at DOLE Sec. Silvestre Bello III.

Binawian ng buhay si Nograles noong Sabado sa edad na 71 dahil sa respiratory failure, secondary to pneumonia.

 

 

88

Related posts

Leave a Comment