(NI ABBY MENDOZA)
KAMPIHAN na ang nangyayari ngayon matapos panigan ng kapwa senador si Panfilo ‘Ping’ Lacson sa pamimilit ng mga kongresista na mag-sorry ito sa mali umanong akusasyon hinggil sa bilyong insertion sa sa 2020 national budget.
Kasabay nito, pinayuhan Lacson si Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro na uminom ng memory enhancement pills sa gitna ng kanilang bangayan kaugnay sa isyu ng pork barrel.
Sa gitna ito ng pagpapaalala ni Lacson kay Castro sa P95 billion insertions sa 2019 budget na kinalaunan ay nai-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“No pork last year? Cong. Castro should take some memory enhancement pills,” saad ni Lacson.
“He forgets that he and his co-conspirators in the House had illegally inserted P95B in the 2019 national budget which the President vetoed as recommended by the Senate,” dagdag pa ng senador.
Binanatan din ni Lacson si Cong. Mike Defensor sa panukalang bawasan ng pondo ang Senado sa kabiguang madisiplina ang senador.
“He can dream on. It takes years to consistently study and learn how the national budget works. If he will start doing it only now, his term will outlive his learning curve,” giit ni Lacson.
Hindi rin naman napigilan ang iba pang senador na magkomento sa mga patutsada ng mga kongresista laban sa Senado.
“Why will we discipline our members? I’m not aware of any violation of any of our members. We do not interfere with their internal business so i expect them not to interfere with ours,” giit ni Senate President Tito Sotto.
“I don’t want to waste my time on such inane ideas,” sagot naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.
323