KANDIDATONG ‘DI MAGSUSUKO NG ARMAS, PATAYIN – DU30

duterte212

(NI BETH JULIAN)

IPINAPAPATAY ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinumang kandidato na mananatiling magmamatigas na hindi magsuko ng kanilang high-powered firearms.

Ang kautusan ng Pangulo ay kasabay ng umiiral din na election gun ban na ipinatupad simula pa noong Enero 13 hanggang  Hunyo 12.

Maghigpit ang tagubilin ng Pangulo sa mga militar at pulis na patayin ang sinumang kandidato ngayong halalan na tatangging magsuko ng kanilang mga armas.

Paglilinaw ng Pangulo, limitado lamang sa dalawang police escort at hindi maaaring magbitbit ng matataas na kalibre ng armas ang mga kandidato.

Base sa ilalim ng gun ban period, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala o magbiyahe ng armas.

Pero paglilinaw ng Pangulo, maaari lamang magdala ng armas ang mga kandidato kung may pahintulot mula sa Comelec  on ban on firearms and security personnel.

105

Related posts

Leave a Comment