Kapag delay sa pagsusumite ng PCR test results TESTING CENTERS PARURUSAHAN

0

TAMA na! Sobra na! kailangan nang mabigyan ng kaukulang aksiyon partikular ng Department of Health ang mga testing center na nagiging habitual na ang huli o laging late na pagsusumite ng PCR test result.

Sinabi ni Testing czar secretary Vince Dizon, ibang usapan na kung palagian na lang late ang pagsusumite ng ilang mga laboratoryo ng kanilang PCR exam at laging hindi umaabot sa cut off.

“Mayroon pong mga sanctions na ini-impose ang Department of Health para doon sa mga habitual na hindi nagsu-submit on time. Alam mo naman ang connectivity problema iyan sa buong Pilipinas hindi lang ng ating mga laboratory,” ayon sa kalihim.

Sa kabila nito, nauunawaan din naman nila ang sitwasyon ng mga nagpapatakbo ng laboratoryo lalo na sa tuwing may mga area na tumataas ang kaso ng virus.

Ani Dizon, marami naman aniya sa mga nagtatrabaho sa mga laboratoryo ay tinatamaan din ng sakit kaya’t nakakaawa rin ang kanilang sitwasyon.

Batay sa kanilang obserbasyon, nasa average na labinlima hanggang 20 laboratoryo ang hindi nakakaabot sa 12 noon cut-off time.

“Unang-una ho, sa ating pagmamatyag ‘no, mga 15 to 20 labs on average ang hindi nakaka-submit sa cut-off ng twelve noon. Pero ang importante naman doon sila ay nagsu-submit lampas ng cut-off at napapasok din sa sistema ang kanilang mga resulta. Hindi naman ibig sabihin na kapag ikaw ay hindi umabot sa cut-off ay hindi na pumapasok iyong mga resulta sa sistema ng Department of Health; pero nonetheless, importante pa rin na on time sana ang pag-submit,” ang pahayag ni Dizon. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment