Kapag inaresto Pinoy TENSYON LALONG LALALA SA WPS

TATAAS pa ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS) kapag inaresto at ikinulong ng Chinese Coast Guard ang mga Pilipino, lalo na ang mga mangingisda sa territorial water ng Pilipinas na ngayon ay binabakuran at inaangkin ng China.

Babala ito ni House deputy minority leader France Castro matapos bigyan ng Beijing ng dagdag na kapangyarihan ang CCG na ikulong ng 60 araw na walang paglilitis ang mga Pinoy na kanilang mahuhuli sa WPS.

“With this action, China is further escalating the tension in the West Philippine Sea (WPS),” ani Castro kaya kailangang kasuhan aniya ang China sa patuloy na pag-angkin ng mga ito sa malaking bahagi ng 200 nautical miles exclusive economic zone (EEZ) kahit may pinal na desisyon na ang Permanent Court of Arbitration (PCA) na pag-aari ng Pilipinas ang mga karagatan na kanilang inaangkin.

Ayon sa mambabatas, ang China ang trespassing sa WPS kaya walang legal na batayan ang kanilang gagawing pag-aresto at pagpapakulong sa mga dayuhan na papasok sa inaangkin nilang teritoryo ng Pilipinas.

“If any country has a right to arrest foreigners, it is the Philippines. China is the one trespassing in our territorial waters and our exclusive economic zone, and now it has the gall to say that they would arrest non-Chinese in our waters,” ani Castro.

Maging ang liderato ng Kamara ay kinondena ang kautusang ito ng China sa CCG na sisimulan sa Hunyo 1, 2024 at ilalaban umano ng mga ito ang soberanya ng bansa at kaligtasan at karapatan ng mga Pilipino sa WPS.

“China’s aggressive pronouncements are a blatant escalation of tensions in the West Philippine Sea. These unilateral actions flagrantly violate international law and the established norms that guide the Philippines and other law-abiding nations with claims in the South China Sea,” ani House Speaker Martin Romualdez.

‘Rogue Nation’

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na pinatunayan lamang ng China ang pagiging ‘rogue nation’ nito sa paglalabas ng bagong polisiya kaugnay sa paglalayag sa karagatan.

Kasunod ito ng inilabas na polisiya ng Beijing na ikukulong ang mga dayuhang barko na papasok sa kanilang teritoryo.

Sinabi ni Hontiveros na indikasyon din ito na nagkaroon ng epekto sa China ang civilian mission ng Atin Ito sa Scarborough Shoal.

“The Atin Ito civilian mission – a rightful and peaceful show of solidarity – clearly hit a nerve for China. But instead of responding like a dignified country, she resorts to this tyrannical tactic that will only escalate tensions even further,” saad ni Hontiveros.

Kung itutuloy anya ng Beijing ang kanilang illegitimate regulation, maaaring maghain muli ng kaso ang Pilipinas sa The Hague Tribunal.

“In the meantime, as advised by former Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, the Philippine government must now urge allies such as the US, Japan, Australia, France, and other like-minded nations to oppose this flagrant violation of international law by joining our patrols within our Exclusive Economic Zone,” dagdag ni Hontiveros.

“China better abrogate this shameless policy. China better stop inciting violence in our waters. China better leave the West Philippine Sea alone,” diin ng senadora. (BERNARD TAGUINOD/DANG SAMSON-GARCIA)

63

Related posts

Leave a Comment