Kapangyarihan lalawak sa Cha-cha PERA BABAHA SA KONGRESO

BABAHA ng pera sa Kongreso kapag nagtagumpay ang mga mambabatas na amyendahan ang 1987 Constitution.

Ito ang babala ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares sa ikalawang araw ng pagdinig ng House committee of the whole sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 o economic Cha-cha.

Sa ilalim ng nasabing resolusyon, aamyendahan ang ilang economic provision at dadagdan ng mga katagang “unless otherwise provided by law” na ayon kay Colmenares ay magbibigay ng mas malawak na kapangyarihan sa Kongreso.

“Congress will be buffeted by intense lobbying and lobby money by transnational corporation who want to amend the Constitution for their benefit,” ani Colmenares na kabilang sa resource person sa marathon hearing sa economic Cha-cha.

Subalit ayon Mandaluyong Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II, pananakot lamang ang pangamba ni Colmenares.
“With due respect to Congressman Colmenares, sa akin pananakot lang eh. The better question is, do we really needed it. Do we really need to amend the provision. Yun ang mahalagang tanong eh,” ani Gonzales.
Naniniwala ang mambabatas na kaya hindi nagtatagumpay ang Cha-cha sa nakaraang tatlong dekada ay dahil walang tiwala at takot ang Senado na mawala ang mga ito at hindi sa pangangailangan sa pag-amyenda sa Saligang Batas lalo na ang economic provisions upang hindi mapag-iwanan ang Pilipinas pagdating sa foreign direct investments.
Samantala, bagama’t sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nais niyang isabay ang plebesito sa Cha-cha sa 2025 elections, tuloy pa rin ang Kamara sa kanilang target na maipasa ang RBH No.7 bago ang Lenten Break sa Marcos 22.
“Kami naman, in the House, the time frame we try to work on is that we will be able to finish this before Lenten break,” ani Gonzales na sinabing walang dagdag na gastos kapag isinabay sa 2025 elections ang plebisito.

(BERNARD TAGUINOD)

44

Related posts

Leave a Comment