KASABWAT NG POGO SA PAGCOR TALUPAN

HINDI kuntento si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na itutok lang ang imbestigasyon sa dating Cabinet official bagkus ay dapat alamin kung sino ang mga taga-PAGCOR na kasabwat sa pagbibigay ng lisensya sa mga kwestiyonableng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

“PAGCOR officials should also tell Congress and the public if they had given in to the lobbying made by the so-far unnamed past and current government officials. If they caved in to pressure, they are equally guilty and accountable,” ani Rodriguez.

Iginiit din ng mambabatas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tuluyang ipagbawal ang POGO sa Pilipinas dahil ginagamit ito ng mga Chinese criminal syndicate sa kanilang human trafficking, kidnapping, protection, extortion, money laundering at iba pang krimen.

Samantala, hahalukayin ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang papel at naging pakinabang ng ex-Cabinet officials na naglakad ng prangkisa ng POGO na niraid ng mga otoridad sa Tarlac at Pampanga.

Ito ang tiniyak ni House committee on dangerous drugs chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, kaugnay ng isiniwalat ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman Alejandro Tengco na may dating Cabinet officials ang pumapadrino para magkaroon ng lisensya ang Lucky South 99 sa Porac, Pampanga at t Zun Yuan Technology Inc. sa Bamban, Tarlac.

Ang dalawang nabanggit na POGO ay sinalakay ng mga otoridad sa pangunguna ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kung saan nakitaan ang mga ito ng ebidensya ng mga krimen na nangyayari sa loob ng kanilang compound.

Kaugnay nito, kapwa nagpahayag ng kahandaan ang Pilipinas at Tsina na paigtingin ang kanilang pagsisikap laban sa krimen na nag-uugnay sa POGOs.

Bunga ito ng pag-uusap nina Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Chairman at Executive Secretary Lucas Bersamin at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kaugnay sa pagtugon sa transnational criminal activities.

“The strengthened cooperation between China and the Philippines sends a clear message to criminal syndicates operating across borders that their malicious activities will not be tolerated nor allowed to undermine the security and stability of these nations,” ayon pa rin sa kalatas.

Kapwa naman kumpiyansa ang dalawang bansa na sa pamamagitan ng “renewed commitment” para gumawa ng proactive steps para protektahan ang mga tao at panatilihin ang law and order, ang mga ito ay magiging “well-positioned to overcome any challenges and ensure that justice prevails over criminal activities.”(BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

29

Related posts

Leave a Comment