(NI HARVEY PEREZ)
TINIYAK ng National Bureau of Investigation (NBI) na magsasampa na ng kasong kriminal , anumang araw sa susunod na linggo laban sa Kapa Community Ministry International dahil sa pagkakasangkot sa investment scam.
Kasunod umano ito ng isinagawang serye ng pagsalakay sa mga tanggapan ng Kapa sa iba’t ibang panig ng bansa base sa search warrant.
Sinabi ni NBI National Capital Region (NBI-NCR) Regional Director Cesar Bacani na ihahain na nila sa susunod na linggo ang mga kasong kriminal base sa isinilbi nilang search warrants.
Kasama umano sa kakasuhan ang mga pangalan na nakalagay sa registration, incorporators, board of directors, officers, at iba pang indibidwal na aktibong kalahok sa operasyon.
Kaugnay nito, dapat magpasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil naagapan niya ang problema.
Samantala, nalaman sa Securities and Exchange Commission (SEC) na nagpapatakbo ang Kapa ng Ponzi scheme kung saan sa mga bagong investor kinukuha ang pambayad sa mga naunang investor.
287