KASO NG COVID-19 PATULOY SA PAGTAAS

NAKITAAN ng OCTA Research Group ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 positivity rate ang National Capital Region (NCR) habang 15 lalawigan sa bansa ang may “very high” positivity rates ngayong Agosto.

Sa pag-aanalisa ng OCTA sa datos mula sa Department of Health (DOH), pumalo na sa 17.5% ang positivity rate sa NCR nitong Agosto 6 mula sa dating 15.5% noong Hulyo 30.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19, mula sa bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa testing.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang Camarines Sur ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate na nasa 48.7% mula sa dating 30.3% noong Hulyo 30. (RENE CRISOSTOMO)

207

Related posts

Leave a Comment