KASO NG COVID-19 SA PINAS, 14,669 NA

MAY nadagdag na naman sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa huling case bulletin ng Department of Health, umakyat na sa 14,669 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID- 19 bunsod ng 350 na bagong naitala.

Sa data ng Health department, noong April 3 huling nakapagtala ng higit 300 kaso ng COVID-19 ang Pilipinas sa loob ng isang araw kung saan pumalo ito noon sa 385.

Ang mga gumaling naman ay nasa 3,412 na dahil sa nadagdag na 89 recoveries.

Habang ang mga namatay ay nasa 886 matapos madagdagan ng 13 ang bilang nito. D. ANIN

73

Related posts

Leave a Comment