KASO NG COVID-19 SA PINAS: HALOS 19,000 NA

NAKAPAGTALA ngayong araw ng 359 na kaso ng COVID-19 sa bansa kaya sumampa na sa kabuuang 19,000 ang bilang nito.

Batay sa panibagong ulat mula sa Department of Health, sumampa na sa 18,997 ang kabuuang bilang ng mga nakumpirmang tinamaan ng pandemic virus sa bansa.

Sa naitalang 359 kaso, 176 ang fresh cases o test results na lumabas at na-validate ng DOH sa nakalipas na tatlong araw.

183 naman ang late cases o test results na lumabas sa nakalipas na apat na araw o higit pa pero late na na-validate ng kagawaran dahil late ding isinumite ng mga laboratoryo.

Ayon pa sa ulat ng DOH, may nadagdag na tatlo sa bilang ng mga namatay. Ang recoveries naman ay pumalo na sa 4,063 dahil sa nadagdag na 84 kataong gumaling.

79

Related posts

Leave a Comment