KASO NG DENGUE SA PINAS TUMATAAS

TUMATAAS ang bilang ng kaso ng Dengue sa rehiyon ng Cagayan Valley at Western Visayas, bukod pa sa Zamboanga peninsula, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).

Ayon kay  Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala rin sila ng pagtaas ng mga kaso sa mga lalawigan ng Cebu at Iloilo, Lapu-Lapu City at Zamboanga City na nagdeklara na nitong nakaraang linggo ng outbreak.

Nilinaw naman niya na hindi buong rehiyon 2, 6 at 9 ang apektado kundi ilang probinsya lamang ng mga ito ang nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng dengue.

Ang pinakamalinaw na dahilan nito ay ang pag-ulan na nagdudulot ng pag-iipon ng tubig na pinag-iitlogan ng mga lamok.

Kasabay nito, nanawagan ang DOH sa publiko na linising mabuti ang kanilang kapaligiran at tanggalin ang mga naipong tubig para mawalan ng tirahan ang mga lamok na nagdudulot ng dengue.

Naglagay na ang DOH ng ‘fast lanes o priority lanes’ sa mga pampublikong ospital sa mga nabanggit na lugar para mapabilis ang pagproseso sa mga pasyente na may dengue at maihiwalay sila. (RENE CRISOSTOMO)

259

Related posts

Leave a Comment