(NI BETH JULIAN)
NAGSASAGAWA na ng hiwalay na imbestigasyon ang Presidential Anti Crime Commission sa isyu ng umano’y katiwalian sa Philippine Information Agency (PIA).
Ito ang kinumpirma ni PACC Commissioner Greco Belgica, bagama’t tumaggi pa muna itong magbigay ng detalye hinggil dito.
Sinabi naman ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hinihintay lamang ng PACC ang report na manggagaling sa una nang imbestigasyong isinasagawa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ang sentro ay laban kay PIA Director General Harold Clavite.
Kaugnay ng isyu, naka-post sa Facebook account ni Clavite, sinabi nito na siya mismo ang nagkusang magpa-imbestiga sa PACC sa ngalan ng transparency.
Sa ngayon ay mayroon na ring ginagawang special audit ang Commission on Audit sa special office.
Sinabi pa ni Clavite na nagsumite na rin siya ng komento sa alegasyon ng korupsyon na inihain ng isang anonymous individual at naging basehan ng PCOO ngayon sa pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa kanya.
Nlinaw din ni Clavte na kinikilala niya ang kapangyarihan ni PCOO Secretary Martin Andanar bilang kanyang immediate superior at welcome sa kanya ang anumang imbestigasyon.
Isa pa sa nilinaw ni Clavite na ang kanyang inirereklamo ay ang paraan ng PCOO sa kanyang kaso at ang pagsasapubliko nito nang hindi man lamang siya kinausap.
Si Clavite ay isinasangkot sa umano’y spliting of contract, misused of funds for hotel accommodation at ang katiwalian sa umano’y produksyon ng information materials.
171