KAWATAN ANG NASA KAMARA, SOLON UMARAY

kamara1

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI naitago ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kanyang sama ng loob sa tawag sa Kamara bilang “House of Representa-thieves” dahil sa mga budget sa mga distrito itinuturing ng ilan na pork barrel.

Sa press conference pagkatapos mag-adjourned ang Kongreso noong Biyernes ng gabi, masama ang loob ni Leyte Rep. Vicente Velosos kapag tinatawag na “House of Representa-thieves” o bahay ng mga magnanakaw ang kanilang Kapulungan.

Ayon kay Veloso na dating Justice ng Court of Appeals (CA), wala silang direktang kamay sa implementasyon ng mga proyekto na kanilang tinukoy para sa kanilang mga distrito bago pa man binubuo ang national budget.

“Kung magkakaroon ng nakawan dyan, hindi dito po sa Kongreso, nanduon sa Executive department. Yung sinasabi ng chairman namin sa Appropriations, wala pa ngang budget nagkakaroon na ng nakawan. Saan iyan? DBM – Executive department,” pagtuturo ni Veloso.

Ang tanging trabaho lang aniya ng mga Kongresista na suriin at ipasa ang national budget na nagmula sa Executive Department at pagkatapos aniya ito ay ang mga departamento na aniya ang mag-iimplementa kaya kung magkaroon man ng nawakan ay sa executive department na ito nangyayari.

Ang bawat mambabatas ay mayroong tig-P160 Million na halaga ng proyekto at para sa public service sa ilalim ng 2019 national budget na nagkakahalaga ng P3.757 Trillion na naipasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso noong Biyernes ng gabi.

“Kung DPWH, sila ang gumagastos. Kung hospitals, Department of Health ang gumagastos. Kung tuition, DepEd. Kami lang po ang nagbibigay ng pondo na tinatawag in all dictionaries as pork,” ayon pa kay Veloso.

Gayunpaman, iba ang tingin ng taumbayan sa pondong ito at inaakala ng lahat na ang mga kongresista ang mag-iimplementa kaya tuwing nagkakaroon ng nakawan ay ang mga ito ang nagpagbibintangan.

“So sana don’t call us as House of Representa-thieves,” ani Veloso

Ipinagtanggol naman ni House minority leader Danilo Suarez ang pondo ng mga mambabatas sa kanilang distrito dahil kailangan umano ito ng kanilang mga constituent.

 

 

369

Related posts

Leave a Comment