Kaya maraming ‘di pa bakunado DIGITAL TECHNOLOGY PROBLEMA NG SENIORS

KAWALAN ng access ng maraming senior citizens sa makabagong teknolohiya ang nakikitang dahilan ng isang mambabatas sa Kamara kung bakit marami sa mga ito ang hindi pa nababakunahan.

“Millions of Filipinos are not yet netizens and digital citizens. This is a major problem,” ani Rep. Rodolfo Ordanes kaya umapela ito sa Local Government Units (LGUs) na magbahay-bahay na o kaya payagan ang walk-ins.

Ipinunto ng mambabatas na karaniwang pinaiiral ng LGUs ang “register muna, hintay-schedule, bago bakuna” at dahil maraming senior citizen ang hindi marunong gumamit o walang access sa internet ay napag-iiwan ang mga ito sa kampanya sa pagbabakuna.

Marami rin umanong People With Disabilities (PWDs) ang hindi pa bakunado dahil sa kawalan ng access sa digital technology.

Hindi aniya masisisi ang mga ito lalo na ang mga nasa kanayunan kung saan bukod sa mahirap ang signal ay walang kakayahan ang mga ito na bumili ng smartphone.

“We have seen online access as the problem in the roll out of the DSWD and LGU cash ayuda. There are LGUs still giving pandemic cash ayuda until now and they have opted to do it manually now,” ayon pa sa mambabatas.

Ang mga benepisaryo sa ayuda na hindi agad natatanggap ang kanilang benepisyo ay hindi rin aniya netizens kaya binabahay-bahay na ang mga ito.

Dahil dito, dapat aniyang isabay na sa pagbabahay-bahay ang senior citizens at PWDs para maproteksyunan ang mga ito laban sa nasabing virus.

“Online registration is an even greater barrier in the provinces where internet access is much worse than in NCR (National Capital Region),” paliwanag pa ng mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

1

Related posts

Leave a Comment