KIKO: KABATAAN OBLIGAHIN SA VOTER REGISTRATION

kiko pangilinan12

(NI NOEL ABUEL)

KINALAMPAG ni Senador Francis Pangilinan ang Commission on Elections (Comelec) na gumawa ng hakbang para maobliga ang mga kabataang magparehistro ngayong Agosto 1.

Ayon kay Pangilinan, mahalaga ang mag-isip ng paraan ang poll body para maging matagumpay ang isasagawang pagpaparehistro para sa susunod na eleksyon.

Base sa Comelec, ang voter registration ang magsisimula ngayong unang araw ng Agosto na magtatagal hanggang Setyembre 30 kung saan ang mga local Comelec offices ay magbubukas tuwing Sabado at kahit holiday.

“Kahapon, binuksan na ulit ang lotto. Pwede na ulit tumaya. Bukas, umpisa na ang voter registration. Sa mga kabataan, taya rin tayo sa bayan. Ipakita ang pag-ibig sa bayan. Magparehistro,’ sabi pa ng pangulo ng Liberal Party.

Target ng poll body na makakuha ng 2 milyong mga bagong botante.

“Abutin natin ang target na 2 milyong mga bagong botante. Dapat alam ng kabataan na kapag nagparehistro sila at bumoto, tumutulong silang tukuyin ang kinabukasan nila,” panawagan pa ni Pangilinan.

Hamon pa nito sa Comelec na magpatupad ng epektibong information dissemination campaign upang mapilit ang mga kabataan na magparehistro bilang bagong botante tulad ng paglalagay ng registration booth sa mga malls.

Inihalimbawa pa nito na dapat maabot ng Comelec ang malalayong lugar, urban centers, eskuwelahan at maging ang mga call-center offices kung saan maraming millennials ang nagtatrabaho.

149

Related posts

Leave a Comment