(NI BERNARD TAGUINOD)
IBINUNYAG ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo sa interpelasyon ni 1SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta na nailipit ni Senador Franklin Drilon sa Iloilo ang malaking bahagi ng tinanggal ng senador sa budget ng SEA games.
Magugunita na P7.5 ang inirekomendang budget ng SEA Games subalit P5 Billion lamang ang naaprubahan matapos itong kuwestiyonin ni Drilon kaya nabawasan ng P2.5 Billion.
“Sagot nyo kanina na yung nawala, yung halagang nawala sa budget na yun, parang lumitaw sa isang lugar…may binanggit kayo kanina, puwede pang ulitin nyo,” ani Marcoleta.
“Inilipat sa Iloilo,” sagot ni Salo kaya muling nagtanong si Marcoleta kung sino ang naglipat at kinumpirman naman ito ng una na si Drilon.
Naglabas din ng dokumento si Marcoleta na sa ilalim ng 2019 general appropriations act (GAA) nagkaroon umano ng insertions para sa 82 projects sa probinsiya ng Iloilo na naghahalaga umano ng P2.3 Billion.
164