Kinontra ng SC sa ICC withdrawal DUTERTE LALONG MANGGIGIGIL SA VP RACE

0

LALONG paiigtingin ang pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa vice presidential race sa 2022 matapos kontrahin ng Korte Suprema ang kanyang withdrawal sa Rome Statute.

“This decision will further fuel Duterte’s obsession to run for vice president on the errant notion invoking feigned immunity,” pahayag ni Albay Rep. Edcel Lagman kahapon.

Nauna rito, lahat ng 15 mahistrado sa Korte Suprema ay nagsabi na hindi puwedeng sariling desisyon ni Pangulong Duterte ang mag-withdraw sa Rome Statute na hindi kinatigan ng Senado.

Hindi rin umano maaaring gamitin ni Duterte ang pag-atras sa nasabing kasunduan para iwasan ang imbestigasyon ng ICC sa crime against humanity na inuumang sa kanya dahil sa mga patayan sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Hindi makatatakas

Ikinatuwa naman ng Makabayan bloc ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman dahil hindi na umano matatakasan ni Duterte ang ICC pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2022.

“Ang implication nito ay talagang mananagot (si Duterte) at merong responsibilidad. Hindi puwedeng sabihin ni Pangulong Duterte na hindi niya nire-recognize at kung pupunta rito ang mga investigator, mayroon pa siyang threat na ipahuhuli niya ang mga ito. Hindi niya kayang gawin dahil under the decision of Supreme Court, may mga obligation na makipag-cooperate ang gobyerno ng Pilipinas sa gagawing imbestigation,” ani Lagman. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment